Paano kung Paggising ko, Mahal pa rin kita?

September 27th, 2007 by alablaya

Paano kung Paggising ko,

Mahal pa rin Kita?

nina Ces Millado at Queng Reyles 

 

Paano kung paggising ko,

mahal pa rin kita?

Kung ang mga nilimot na halik

Ay isa-isang magtampisaw

sa manhid ko nang alaala?

 

Paano kung sa magdamag

na pagtulog ang kinahimbingang

anino’y

ikaw pa rin?

 

Paano kung ang sagot

sa mapangutyang ginaw

ng madaling araw

ay ang alaala

ng yakap mong

hindi na akin?

 

Paano kung ang hatinggabi’y

palilipasin pa rin

sa paglimot

at pagsilip sa sikat ng araw

mula sa aking silid?

 

Kung ang halinghing ng hangin

ay bubulong ng

pangalan mong

di na rin kailanman bibigkasin

 

Kung ang kakapain pa ri’y

kung saan muling maririnig

ang iyong tinig …

 

Kung paggising ko

mahal pa rin kita,

tulog akong magluluksa

sa puso kong

nalimutang muli

ang magmahal ng sariling pagka

 

Ilang beses na akong umayaw.

Paulit-ulit na nilasing ang

Sarili

sa mga usok at ingay,

sa mga salitang sinulat sa

naglalahong guhit ng papel.

 

Pagkat ang paglaya

sa pagsasama nating

kay tamis - kay pait

Ay pagbitiw sa kadena 

ng iyong pagkalinga.

 

Ilang libong hakbang na ang

nilakad papalayo sa iyo

nagpupumilit na di na lumingon

na di na rin tumingin,

na hindi na makaramdam.

 

Kung paggising ko,

mahal pa rin kita

Mag-aalay ako ng balde-baldeng luha

(sindami ng iniyak ko sa nagdaang paglaya)

Pagkat gabi pa rin ang gabi

kung ikaw pa rin ang iibigin

Hindi pa marahil nagbubukangliwayway.

Hihintayin ko ang

tilaok ng manok

Upang magising sa isang mapaglarong

bangungot.

 

Kung paggising ko’y

mahal pa rin kita,

babalikan ko ang

mga panaginip

at papatayin ang

alaala.

 

heaven knows (this angel has flown)

August 21st, 2007 by alablaya

HEAVEN KNOWS (THIS ANGEL HAS FLOWN)
by: Orange and Lemons
from the album: Strike Whilst The Iron Is Hot

There are times when I’m lying in my bedHug my pillow and cry from this tip againAnd my eyes are like windshields on a rainy dayAlmost rubbed down, swelling, as I keep onDipping my face in these cold hands of mineHeaven knows how bitter I am

Chorus‘Cause this angel has flown away from meLeaving me in drunken miseryI should have clipped her wings and made her mineFor all eternityNow this angel has flown away from meThought I had the strength to set her freeDid what I did because I love her soWill she ever find her way back home to me

I’m so tired, I feel like catching forty winksBeing up all night in this elbow roomThat puts me in a tranceWhere hopes and dreams come trueNow my lips are burning and my eyes are hurtingFrom this fuse I mixed till I light anotherCigarette just to pass my time, ohHeaven knows how bitter I am

iyong multo by lunatic

August 4th, 2007 by alablaya
iyong multo
by: lunatic

hindi na ako matatakot sa iyong multo.

kahit panay-panay pa ang pagdalaw nito.  ang totoo’y hindi lang minsanang hiniling kong

sana

ay tuluyan ka nang lumisan — ikaw at ang lahat-lahat sa iyo.  na

sana

ay tuluyan ka nang umalis – huwag ka nang mag-iwan ng kahit kapirangot, kahit kapiraso. 

ang totoo ay madalas kong natatagpuan ang sariling wala akong mapuntahan.  ninais kong tumakas mula sa iyo, ngunit wala akong paglagyan.  wala akong matunguhang hindi kita natatagpuan.  ikaw.  ang haraya mo.  ang simoy at anino mo.  ang misteryo at alaala mo.  ang kaluluwa at talinghaga mo.  nakabayubay sa kung saan-saan at sinusundan ako. 

nagmumulto ka at binabangungot ako.  ginagawang  impiyerno kahit langit ang panaginip ko.  ikaw ang ngiti ng mga estranghero.  ikaw ang musikang rumirindi sa isip ko.  ikaw ang blankong tinitignan ko sa espasyo.  ikaw ang laman ng mga

tula

ko.  pinapatay akong marahan at sinisiraulo — ikaw at ang iyong multo.

pero hindi na ako matatakot sa iyo.

hahayaan hanggang sa pinakahuling piraso ng memorya mo ay mangalawang at maglaho.  hahayaan hanggang wala na akong maramdamang kahit ano.  hindi naman magugunaw ang buong mundo ko.  hindi man ako makatakas o hindi magpakalayo-layo.  hindi man ako makapagtago hanggang sa dulo ng mundo, haharapin kita ng matapang at mananatiling buo.  hindi na ulit ako magpapagupo, ng kung ilang daang sakit pa ang ipunyal sa dibdib ko.  hindi ako magiging paralisado, ng kahit ilang ikaw pa ang haharapin ko. hindi na ako matatakot na muling masasaktan – ng ikaw o ng multong iyong naiwanan.  hinding-hindi na kahit kailanman.  hinding-hindi ko na rin hahayaan.

Minsan May Isang Puta…Isang Kwento

January 13th, 2007 by alablaya

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako.
Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang
pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar

noon

.
Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko
nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang
kinabukasan ko.

Tara

makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto,
naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh.
Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako
ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na
kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa
katawan ko, na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli
ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko
ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.
Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga
sadistang Hapon at Coo. Kase, ibang-iba ang
hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing
ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry,
lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging
anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates,
yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya,
alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit
naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan
mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema
ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, lahat
ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya,
guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa
kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,
yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng
I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan
ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi
na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa
tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal
pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming
nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa
kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata
pati kaluluwa nami n para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay
namin. Ayun, mga nasa

Japan

, Hong Kong, Saudi ang
mga anak ko. Yung iba nag-US,

Europe

. ‘Yung iba
ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman
silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan
ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak
ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na
itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming
lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos
makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil
nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang
tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na
malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging
kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga
anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw
ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at
pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong naga wa dahil sa sobrang pagmamahal
ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi
ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang
sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May
nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase
ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa
kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh.
Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na
lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang
puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga
nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung
laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang
pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin
ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda
pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin.
Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang
mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko.
Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko
namamalayan. Ang gagaling n ga ng mga anak ko,
namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa
kahit anong gawin. Tama man o

mali

. Proud ako sa
kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman
para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may
malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw.
Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila
galit sa isa’t isa. Walang gusto magtulungan,
naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis
pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak
ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na
ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng
buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi
ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko,

sana

maalala naman
ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong
taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon
pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw
ng ilan sa mga anak ko.

Sana

may magtanggol naman
sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong
isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko
nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

PILIPINAS nga pala.